Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at na ito ay umabot sa pinakamataas sa mga antas ng pag-ibig gaya ng pagkatamo nito ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga). Dahil doon, nagkaila siya na magkaroon siya ng isang matalik na kaibigan na iba pa kay Allāh dahil ang puso niya ay napuno ng pag-ibig, pagdakila, at pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya) kaya hindi nakasasaklaw ito sa isang iba pa kay Allāh. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan kabilang sa nilikha, talaga sanang ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa paglampas sa hangganang pinapayagan sa pag-ibig gaya ng ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila hanggang sa nagbigay-anyo sila sa mga ito bilang mga diyos na pampagano na sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpatayo sila sa ibabaw ng mga libingan ng mga ito ng mga sambahan at mga templo. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya na gumawa sila ng tulad ng ginawa ng mga iyon.