Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo minsan sa isang pangkat ng mga Kasamahan, na kabilang sina Abū Bakr at `Umar. Tumayo siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos umiwan sa kanila kaya natakot sila na dapuan siya ng isang kinasusuklaman mula sa isang kaaway, na maaaring dahil sa isang pagbihag at maaaring dahil sa iba pa rito. Kaya tumayo ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) habang mga nanghihilakbot. Ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot ay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) hanggang sa pumunta ito sa isang hardin ng angkan ng An-Najjār saka nagsimula itong pumapalibot doon nang harinawa ito ay makatagpo ng isang pintuang nakabukas ngunit hindi ito nakatagpo subalit ito ay nakatagpo ng isang maliit na pagkakabukas sa pader na pumapasok mula roon ang tubig kaya nagsuksok ito ng katawan nito hanggang sa nakapasok ito saka natagpuan nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi naman siya rito: "Ikaw ay si Abū Hurayrah?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa iyo?" Nagsabi si Abū Hurayrah: "Ikaw kanina ay nasa gitna namin saka tumayo ka saka umiwan ka sa amin saka natakot kami na maagaw ka palayo sa amin saka nanghilakbot kami saka ako ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot kaya pumunta ako sa bakod na ito saka nagsumiksik ako kung paanong nagsusumiksik ang soro habang ang mga taong ito ay nasa hulihan ko." Nagbigay rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sandalyas niya bilang sagisag at palatandaan na ito ay tapat. Nagsabi siya rito: "Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh, ang sinumang ito ay naging katangian niya, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso." Ang kauna-unahan sa nakasalubong nito ay si `Umar saka nagsabi iyon dito: "Ano itong mga sandalyas, O Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ito: "Ang mga ito ay mga sandalyas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpadala siya sa akin ng mga ito. Ang sinumang makakasalubong ko na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbabalita ako sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Kaya tumapik si `Umar ng kamay nito sa pagitan ng dibdib ni Abū Hurayrah kaya bumagsak ito sa pigi nito saka nagsabi iyon: "Bumalik ka, O Abū Hurayrah." Kaya bumalik naman ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nanghihilakbot na nag-iiba ang mukha, na nakahanda sa pag-iyak at sumunod si `Umar at naglakad sa likuran ko. Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang mayroon sa iyo, O Abū Hurayrah?" Nagsabi ako: "Nakatagpo ko si `Umar kaya nagpabatid ako sa kanya hinggil sa ipinagpadala mo sa akin ngunit tumapik siya sa isang pagtapik na bumagsak ako sa pigi ko. Nagsabi siya na bumalik ako." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O `Umar, ano ang nag-udyok sa iyo sa ginawa mo?" Nagsabi si `Umar: "O Sugo ni Allāh, kapalit ng ama ko ikaw at ina ko, nagpadala ka po ba kay Abū Hurayrah kalakip ng mga sandalyas mo, na sa sinumang nakatagpo niya na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak dito ang puso niyon magbabalita siya roon ng nakagagalak hinggil sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya huwag mong gawin sapagkat tunay na ako ay natatakot na umaasa ang mga tao sa sabi niyon lamang nang walang paggawa kaya hayaan mo sila na gumawa." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya hayaan mo sila, samakatuwid.