May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsalita ito sa kanya kaugnay sa isang nauukol dito. Pagkatapos nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagmasama rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasabing ito at nagpabatid siya rito na ang pagdugtong ng kalooban ng nilikha sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng AT ay isang Maliit na Shirk, na hindi pinapayagan sa Muslim na bumigkas nito. Pagkatapos gumabay siya rito sa tamang pagsabi: "Ang niloob ni Allāh – tanging Siya." Kaya naman ibinubukod-tangi si Allāh sa kalooban Niya at hindi idinudugtong sa Kanya ang kalooban ng isa man sa pamamagitan ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagdurugtong.