Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang bilang ng mga Kasamahan saka humiling sa kanila nang tatlong ulit na magpahayag sila ng katapatan sa kanya at makipagkasunduan sila sa kanya sa pananatili sa mga sumusunod: A. Ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. B. Ang pagpapanatili ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi. C. Ang pagdinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti sa sinumang nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim. D. Ang pag-aatang ng lahat ng mga pangangailangan nila kay Allāh at ang hindi paghingi sa mga tao ng anuman sa mga ito. Nagbaba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil dito ng tinig niya. Nagsagawa nga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng ipinangako nilang katapatan sa kanya hanggang sa nagsabi ang tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga Kasamahang iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya; bagkus bumababa ito at kumukuha niyon sa pamamagitan ng sarili niya."