Pumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn, na isang lambak sa pagitan ng Ṭā'if at Makkah. Kasama sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan na pumasok sa Islām kamakailan. Naparaan sila sa isang punong-kahoy na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na ang ibig sabihin ay may mga isinabit. Ang mga tagapagtambal noon ay dumadakila rito at nagsasabit dito ng mga sandata nila at iba pa dala ng paghiling ng pagpapala. Kaya naman humiling sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumawa siya para sa kanila ng isang punong-kahoy tulad niyon, na sasabitan nila ng mga sandata nila para sa paghiling ng pagpapala dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ito ay isang bagay na pinapayagan. Kaya nagluwalhati kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagmamasama sa pagkakasabing ito at dala ng pagdakila kay Allāh. Nagpabatid siya na ang pagkakasabing ito ay nakawawangis sa pagkasabi ng mga tao ni Moises dito: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Noong nakakita sila ng mga sumasamba sa mga anito, humiling sila na magkaroon sila ng mga anito kung paanong mayroong mga anito ang mga tagapagtambal. Ito ay isang pagsunod sa pamamaraan ng mga iyon. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunang ito ay susunod sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at gagawa ng gawain nila. Nagbigay-babala siya laban doon.