explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusugo noon ng mga Kasamahan niya kalakip ng utos na huwag silang mag-iwan ng isang imahen – na isang larawan ng anumang may kaluluwang binigyang-katawan o hindi binigyang-katawan – malibang inalis nila ito o pinawi nila ito; at huwag silang mag-iwan ng isang libingang iniangat malibang ipinantay nila ito sa lupa at winasak nila ang nasa ibabaw nito na estruktura o ginawa nila itong patag na hindi nakaangat buhat sa lupa nang isang malaking pagkaangat, bagkus nakaangat ng mga isang dangkal.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagbabawal sa pagsasalarawan ng mga may kaluluwa dahil ang mga ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.
  • Ang pagkaisinasabatas ng pag-aalis ng nakasasama sa pamamagitan ng kamay para sa sinumang may kapamahalaan o kakayahan doon.
  • Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aalis ng bawat anumang nagpapahiwatig ng mga bakas ng Panahon ng Kamangmangan gaya ng mga larawan, mga imahen, at mga estruktura sa ibabaw ng mga libingan.