Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa reyalidad ng panlilibak na ipinagbabawal. Ito ay ang pagbanggit sa Muslim na nakaliban hinggil sa kasusuklaman niya, maging ito man ay kabilang sa mga katangian niyang pisikal o etikal, tulad ng siya raw ay kirat, mapandaya, palasinungaling, at tulad niyon kabilang sa mga katangian ng pagpula, kahit pa man ang katangiang iyon ay nariyan sa kanya. Tungkol naman sa kapag hindi naging nasa kanya ang nasabing katangian, ito ay higit na matindi kaysa sa panlilibak. Ito ay ang paninirang-puri. Ibig sabihin: ang paggawa-gawa laban sa tao ng wala naman sa kanya.