Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita buhat sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya at iniibig Niya,tulad ng pagpapayo,pamamatnubay,at pagtuturo,at hindi niya inaakala na ang mga salitang ito ay mag-aabot sa kanya sa anumang inabot niya mula sa pagkalugod ni Allah Pagkataas-taas Niya;Itataas siya ni Allah dahil rito,sa napakataas na Antas.At gayundin kapag siya ay nagsalita ng mga pananalita na ikapopoot ni Allah,tulad ng paninirang-puri,tsismis at kasinungalingan,ibababa siya dahil rito sa Impiyerno sa Araw ng Pagkabuhay.