Naglilinaw ang Propeta (s) na kapag nagsuot ang Muslim ng khuff niya matapos na nagsagawa siya ng wudu, pagkatapos nawalang-bisa ito matapos niyon at nagnais siya na magsagawa ng wudu, ukol sa kanya ang magpahid dito kung nagnais siya niyon. Magdasal siya nang nakasuot nito at huwag siyang maghubad nito sa isang yugtong nalalaman; malibang kapag junub siya, kakailanganin sa kanya ang maghubad ng khuff at ang maligo.