Ipinapahayag ni `Ali-malugod si Allah sa kanya-na kung ang Relihiyon ay nakabatay lamang sa pag-iisip at hindi sa nakasulat,ang pagpupunas sa ilalim ng sandal ay mas nararapat sa pagpunas,sa ibabaw nito;sapagkat ang ang ilalim ng sandal ay deretsong nakaapak sa lupa at mga basura at dumi,kung-kaya`t ito ay mas nararapat sa pagpunas mula sa pagbabatay sa pag-iisip,Ngunit ang batas (ng Islam) ay sumasalungat rito.Kaya`t ang pagsasagawa rito at pag-iwan sa opinyon na sumasalungat sa nakasaad sa Qur-an.At katotothanan na nakita niya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal,at ang ginawa nito ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan aykatanggap-tanggap sa pag-iisip sa kabilang dako,sapagkat kapag pinunasan niya ang ilalim ng sandal nito gamit ang tubig ay magiging dahilan sa pagdadala nito ng dumi,kaya`t`ginawa na ang pagpupunas ay sa ibabaw nito upang tanggalin ang mga nakadikit rito na alikabok;sapagkat ang ibabaw ng sandal ang siyang nakikita,kung-kaya`t ang pagpupunas rito ay mas nararapat,at ang lahat ng Hatol sa Batas ng Islam ay hindi sumasalungat sa matinong kaisipan,ngunit minsan, ito ay naitatago sa mga nagmamay-ari ng kaisipan.