Nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dasal sa madaling-araw sa Ḥudaybīyah, na isang nayong malapit sa Makkah, matapos ng isang ulan na bumuhos sa gabing iyon. Noong bumati siya at nagwakas sa pagdarasal niya, nagbaling siya sa mga tao ng mukha niya saka nagtanong sa kanila: "Nakaaalam ba kayo kung ano ang sinabi ng Panginoon ninyo?" Kaya sumagot naman sila sa kanya: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay naglinaw na ang mga tao ay nababahagi, sa sandali ng pagbaba ng ulan, sa dalawang bahagi: isang bahagi na mananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) at isang bahagi na tagatangging sumampalataya kay Allāh (napakataas Siya)." Hinggil sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya" at nag-ugnay ng pagpapababa ng ulan kay Allāh (napakataas Siya), iyon ay mananampalataya kay Allāh, ang Tagalikha na Tagapatnugot sa Sansinukob, at tagatangging-sumampalataya sa tala. Hinggil naman sa sinumang nagsabi: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at gayon," iyon ay tagatangging-sumampalataya kay Allāh at mananampalataya sa tala. Ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya yayamang nag-ugnay siya ng pagpapababa ng ulan sa tala samantalang si Allāh ay hindi gumawa rito bilang kadahilanang pambatas ng Islām at pampagtatakda. Hinggil naman sa sinumang nag-uugnay ng pagbaba ng ulan at iba pa rito, na mga pangyayaring panlupa, sa mga pagkilus-kilos ng mga tala: sa mga pagsikat ng mga ito at paglubog ng mga ito, habang naniniwala na ang mga ito ang tunay na tagagawa, siya ay isang tagatangging sumampalataya ayon sa isang malaking kawalang-pananampalataya.