explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal ng limang ṣalāh na isinatungkulin at hindi nagdagdag sa mga ito ng anuman mula sa mga pangkusang-loob na ṣalāh, nag-ayuno sa Ramaḍān at hindi nagkusang-loob [ng ibang ayuno], naniwala sa pagkapahintulot ng ipinahihintulot at ginawa ito, at naniwala sa pagkabawal ng bawal at umiwas rito, papasok siya sa Paraiso.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsisigasig ng Muslim sa paggawa ng mga tungkulin at ang pag-iwan sa mga ipinagbabawal at na ang layon niya ay ang pagpasok sa Paraiso.
  • Ang kahalagahan ng paggawa ng ipinahihintulot at ang paniniwala sa pagkapahintulot nito at ang pagbabawal sa ipinagbabawal at ang paniniwala sa pagkabawal nito.
  • Ang paggawa ng mga kinakailangan at ang pagwaksi ng mga ipinagbabawal ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.