Inabala ng mga Mushrikun [ Hindi mananampalataya o Sumasamba sa mga Diyus-diyosan] Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila,sa pagmamanman at pagpapabantay sa kanila sa Madina at sa mga sarili nila sa Pagdarasal ng Al-`Asr hanggang sa lumubog ang Araw.Hindi rito nakapagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya malugod si Allah sa kanila-liban sa pagkatapos ng Al-Maghrib;Nanalangin sa kanila ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naway punuin ang mga tiyan, bahay, at mga libingan nila ng Apoy.Bilang kabayaran sa pagpapakasakit nila sa kanya at sa mga kasamahan niya,At pang-aabala nila sa kanila sa pagdarasal ng Al-`Asr,Na siyang pinakamainam sa mga dasal.