Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung aling pagdarasal ang pinakamainam? Nagsabi siya: Ang matagal ang pagtayo." Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta, ang pagkalugod ni Allah ay sumakanila, sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling pagdarasal ang pinakamainam? Ang tanong na ito ay dahil sa kasigasigan nila sa pagtamo ng higit na maraming bilang ng mga magandang gawain. Ang ibig sabihin nito: Alin sa mga uri ng mga dasal ang pinakamainam? O Alin sa mga gawain sa dasal ang pinakamainam? Ang pagtayo o ang pagyukod o ang pagpapatirapa? Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ito ay ang matagal ang pagtayo sa pagsasagaw niyo.