Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga mapagpaimbabaw at pagtatamad-tamaran nila sa pagdalo sa ṣalāh, lalo na sa ṣalāh sa madaling-araw (fajr) at ṣalāh sa gabi (`ishā'), na sila, kung sakaling nakaaalam sa sukat ng pabuya at gantimpala sa pagdalo sa dalawang ito kasama ng konggregasyon ng mga Muslim, ay talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang gaya ng paggapang ng bata sa pamamagitan ng mga kamay at mga tuhod. Talaga ngang nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mag-utos magsagawa ng ṣalāh saka magsasagawa ng iqamāh at magtatalaga ng isang lalaki na mamumuno sa ṣalāh sa mga tao sa halip niya, pagkatapos lilisan siya nang may kasama sa kanya na mga magpapasan ng mga bigkis ng panggatong patungo sa mga lalaking hindi dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon saka manununog siya sa kanila ng mga bahay nila sa apoy dahil sa tindi ng nagawa nila na kasalanan dahil doon, subalit siya ay hindi gumawa niyon dahil sa mga bahay ay may mga babae, mga batang inosente, at iba pa sa kanila na mga mapagpapaumanhinan, na wala namang pagkakasala sa mga ito.