Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang Muslim na sumasapit sa kanya ang oras ng ṣalāh na isinatungkulin saka nagpapahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū' nito at nagpapalubos siya nito, pagkatapos nagtataimtim siya sa ṣalāh niya kung kailan ang puso niya at ang mga bahagi ng katawan niya sa kabuuan ng mga ito ay nakatuon kay Allāh habang gumugunita sa kadakilaan Niya at naglulubos ng mga gawain ng ṣalāh gaya ng pagyukod, pagpapatirapa, at iba pa rito, malibang ang ṣalāh na ito ay nagiging isang tagatakip-sala sa bago nito na mga pagsuway na maliliit, hanggat hindi siya gumawa ng isang malaki kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Ang kainamang ito ay nakalatag sa paglipas ng panahon at sa bawat ṣalāh.