Pumasok si `Ammār bin Yāsir (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa masjid saka nagdasal siya ng isang kinukusang-loob, na isang magaang ṣalāh. Noong nakalabas siya mula sa masjid, sinundan siya ni `Abdullāh bin `Anamah at nagsabi ito sa kanya: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nakakita ako sa iyo na nagpagaan ka ng pagdarasal mo." Nagsabi si `Ammār: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga haligi nito o mga kinakailangan dito o mga kundisyon nito ng anuman?" Nagsabi ito: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpagaan nito bago makaabala sa akin ang demonyo. Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula sa pabuya nito kundi ng ikapu nito, o ikasiyam nito, o ikawalo nito, o ikapito nito, o ikaanim nito, o ikalima nito, o ikaapat nito, o ikatlo nito, o kalahati nito."