Nagpapabatid ang Kasamahang si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na dumikit siya at nakipagkasunduan siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Tawḥīd at pagganap sa limang isinatungkuling ṣalāh sa araw at gabi kalakip ng mga kundisyon nito, mga haligi nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito; sa pagbigay ng zakāh na isinatungkulin, na isang pagsambang pampananalaping kinakailangan, na kinukuha mula sa mayayaman at ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga maralita at iba pa sa kanila; at sa pagtalima sa nakatalaga sa pamamahala at pagpapayo sa bawat Muslim sa pamamagitan ng pagsisigasig sa pagpapakinabang dito, pagpapaabot ng kabutihan dito, at pagtaboy ng kasamaan palayo rito sa salita at gawa.