explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Sugo ni Allah (s) na walang papasok sa Impiyerno na isang nagdarasal ng salah sa madaling-araw at salah sa hapon at nagpapamalagi sa dalawang ito. Nag-udyok siya sa dalawang salah dahil ang dalawang ito ay ang pinakamabigat sa mga salah at dahil ang oras ng madaling-araw ay nasa kasarapatan ng tulog at ang oras ng hapon ay nasa kaabalahan ng mga trabaho ng maghapon at kalakalan dito. Ang sinumang nangalaga sa dalawang salah na ito kasama ng pagkakaroon ng hirap ay mangangalaga sa natitira sa mga dasal.

explain-icon

fawaed

  • Ang kainaman ng salah sa madaling-araw (Fajr) at salah sa hapon (Asr) kaya nararapat ang pangangalaga sa dalawang ito.
  • Ang sinumang gumaganap sa mga salah na ito ay kadalasang malaya ang sarili sa katamaran at pagpapakitang tao, na maibigin sa pagsamba.