Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa piling ng mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Iyan ay ang oras na papawiin at aalisin diyan ang kaalaman mula sa mga tao." Kaya nagulat si Ziyād bin Labīd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Papaanong papawiin ang kaalaman at iwawala mula sa amin samantalang bumigkas nga kami ng Qur'ān at nagsaulo kami nito; saka sumpa man kay Allāh, talagang bumibigkas nga kami nito at talagang nagpapabigkas nga kami nito sa mga kababaihan namin, mga anak namin, at mga anak ng mga anak namin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagugulat: "Manabik nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa mga maalam ng mga mamamayan ng Madīnah." Pagkatapos naglinaw rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkawala ng kaalaman ay hindi sa pagkawala ng Qur'ān, subalit ang pagkawala ng kaalaman ay dahil sa pagkawala ng paggawa ayon dito. Itong Torah at Ebanghelyo sa piling ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sa kabila niyon, ay hindi nagpakinabang sa kanila. Hindi sila nakahango ng katuturan mula sa pinapakay ng mga ito, ang paggawa ayon sa nalaman nila.