Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gawain ng patay ay napuputol sa pagkamatay niya. Kaya naman hindi natatamo para sa kanya ang mga magandang gawa matapos ng kamatayan niya maliban sa tatlong bagay na ito dahil sa pagiging iyon ay naging kadahilanan ng mga ito: A. Ang kawanggawa na nagpapatuloy ang gantimpala nito at namamalagi, na hindi napuputol gaya ng waqf (endowment), pagpapatayo ng mga masjid, paghuhukay ng mga balon, at iba pa rito. B. Ang kaalaman na napakikinabangan ng mga tao, gaya ng pag-aakda ng mga aklat ng kaalamang pang-Islām o gaya ng nagtuturo ng isang tao saka nagsagawa ang taong iyon ng pagpapalaganap ng kaalamang iyon matapos ng kamatayan niya. C. Ang maayos na mananampalatayang anak na dumadalangin para sa mga magulang niya.