Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib, habang ito ay naghihingalo, saka nagsabi siya rito: "O tiyuhin, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "O Abū Ṭālib, iiwanan mo ba ang kapaniwalaan ng ama mong si `Abdulmuṭṭalib?" Ito ay ang pagsamba sa mga anito. Hindi pa sila natigil na nagsasalita sa kanya hanggang sa nagsabi siya ng kahuli-hulihang bagay na isinalita niya sa kanila: na nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib siya, ang kapaniwalaan ng Shirk at ang pagsamba sa mga anito. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mananalangin ako para sa iyo ng kapatawaran hanggat hindi sumasaway sa akin ang Panginoon ko laban doon." Kaya bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit na sila'y mga kamag-anak, pagkatapos na naging malinaw na sila'y mga mananahan sa Apoy.} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib ng sabi Niya: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56) Sapagkat ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo ang kapatnubayan sa kanya; tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya.