Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kabanayaran, ang kalumanayan, at ang pagpapakahinay-hinay sa pagsasabi at paggawa ay nakadaragdag sa mga bagay-bagay ng karikitan, kalubusan, at kagandahan; at higit na marapat na makaabot ang tagapagtaglay ng mga ito sa pangangailangan niya. Ang kawalan ng kabanayaran ay pumipintas sa mga bagay-bagay, nagpapapangit sa mga ito, at pumipigil sa tagapagtaglay ng mga ito sa pag-abot sa pangangailangan niya. Kung nakaabot man siya nito, kalakip naman ng hirap.