Nagsasalaysay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) ng isang bahagi ng katangian ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpapabatid ito na siya, kapag bumangon siya para sa magsagawa ng ṣalāh, ay nagsasagawa ng takbīr kapag nakatayo siya para sa panimulang takbīr. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag lilipat siya tungo sa pagyukod, kapag magpapatirapa siya, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, kapag magpapatirapa siya para sa ikalawang pagpapatirapa, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula rito, at kapag tatayo siya mula sa unang dalawang rak`ah matapos ng pagkaupo para sa unang tashahhud sa ṣalāh na tatluhan o apatang rak`ah. Pagkatapos gagawa siya niyon sa ṣalāh sa kabuuan nito hanggang sa makatapos siya nito. Nagsasabi siya, kapag nag-aangat ng likod niya mula sa pagkakayukod, ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya, habang siya ay nakatayo, ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)." Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) kapag lilisan siya sa ṣalāh: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay ang pamamaraan ng ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."