Ang lahat ng pagdarasal ay pagdadakila kay Allah sa pamamagitan ng pananalita at gawa,Sa marangal na Hadith na ito ay pagpapahayag sa tanda ng pagdarasal at ito ang pagtitibay sa Kadakilanaan ni Allah Napamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,At ang Pagdadakila,ito ay hindi ginawa bilang tanda niya at paglalarawan sa kanya, maliban sa ito ay ipinag-utos upang Dakilain ang Allah at Purihin Siya.Kayat sa oras na papasok siya rito,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] na tinatawag na Takbiratul Ihram,habang siya ay nakatayo sa matuwid na pagtayo.At kapag siya ay natapos sa pagbabasa at bababa siya sa pagyuko,bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] At kapag bumangon siya mula sa pagyuko;Sinasabi niyang: "Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya" at itutuwid niya ang kanyang pagtayo,Pagkatapos ay Pupurihin niya si Allah at magpapasalamat sa Kanya,sa [kalagayang] pagtayo:Pagkatapos ay bibigkasin niya ang " Ang Allah ay Dakila"[Allahu Akbar] kapag siya ay bumaba sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,Pagkatapos ay ginagawa niya lahat ito sa lahat ng pagdarasal niya,At kapag tumayo siya mula sa Tashahhud Al-Awwal sa pagdarasal na may dalawang Tashahhud,binibigkas niya ang "Ang Allah ay Dakila" [Allahu Akbar],sa kalagayan ng pagtindig niya,at itinalaga sa batas ng Islam ,sa bawat paglipat [ng galaw] ang Pagbigkas ng Allahu Akbar,maliban sa pagbangon mula sa pagyuko.