Ayon kay Jubayr bin Mut`im malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na siya ay nagbabasa sa Maghrib ng Attur,at nang dumating siya sa talatang: { Sila bay nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ay manlilikha?O sila baga ay lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi,sila ay walang matatag na pananalig.O nasa kanila ba ang mga kayamanan [Panustos] ng inyong Panginoon?O sila ba ang tagapamahala [tagapagsunod nila]?} Nagsabi siya: Muntik ng lumipad ang puso ko. Tumpak - Napagkaisahan ang katumpakan