Ang hadith na ito ay napag-alaman sa hadith nang nag-aabuso sa pagdarasal nito,at ito ay sanggunian ng pagpapaliwanag sa pagpapahayag nang paglalarawan ng pagdarasal sa mga haligi nito,at mga obligado nito,at mga kondisyon nito,na kung saan ay ipinahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang paksa sa layunin ng pagtuturo at pagpapahayag sa mga gawain ng pagdarsal,na kung saan ay inobliga ang pagsasagawa rito,at isinasa-alang-alang ang alinmang naiwanan sa hadith na ito mula sa mga gawain niya ay hindi naging obligado.At sa kabuuan ng Hadith na ito; Katunayan na ang Propeta pagpalain siya n Allah at pangalagaan- ay pumasok sa masjid,Pumasok ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Masjid,Pumasok ang isang lalaki mula sa kasamahan ng propeta,ang pangalan niya ay (Khallad bin Ra`fei),Nagdasal siya ng dasal na magaan na hindi kompleto ang mga gawain at mga sasabihin.At nang matapos sa pagdarasal niya,Dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,bumati siya sa kanya,at sinagot siya -sumakanya ang pangangalaga-pagkatapos ay sinabi niya sa kanya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal,Bumalik siya at ginawa niya ang dasal nito sa ikalawa.tulad ng ginawa niya sa dasal nito na una,Pagkatapos ay dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at sinabi niya sa kanya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal-pangatlong beses-At sumumpa ang lalaki sa sinabi nito:At Sumpa sa Nagpadala sa iyo sa katotohanan,wala ng mas maganda pa maliban sa ginawa ko,turuan mo ako:At nang siya ay maghangad ng kaalaman,at minithi ng kanyang sarili ito,at nakahanda siya na tanggapin ito,pagkatapos ng mahabang pag-uulit.Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa kahulugan nito:Kapag ikaw ay tumindig sa pagdarasal; bigkasin mo ang Takbeeratil Ihram na Allahu Akbar,pagkatapos ay magbasa ka ng pinaka-madali sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos mo magbasa sa Kabanata ng Al-Fatihah,pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa maging mapanatag ka sa pagyuko,pagkatapos ay bumangon ka mula sa pagyuko hanggang sa tumuwid ka sa pagtayo at maging mapanatag ka sa pagtuwid mo,pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa mapanatag ka sa pagpatirapa,pagkatapos ay bumangon ka mula sa pagpatirapa,at umupo ka hanggang sa mapanatag ka sa pag-upo,at gawin mo ang mga gawain na ito at mga salita sa lahat ng pagdarasal mo,maliban lang sa Takbiratil-Ihram,sapagkat ito ay sa unang tindig lamang,wala ng liban pa dito mula sa mga tindig.At tiningnan sa mga salasay na iba,ang mga ilan sa mga kondisyon sa pagdarasal tulad ng pagharap sa Qiblah at ang paglilinis(Al-Wudhu)