Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagdasal ang Muslim sa isang konggregasyon, ang pagdarasal niyang iyon ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya o palengke niya nang higit sa dalawampu't higit pang ulit. Pagkatapos binanggit niya ang kadahilanan kaugnay roon: na ang lalaki – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpalubos siya ng pagsasagawa ng wuḍū' at nagpahusay nito, pagkatapos lumabas siya papuntang masjid, na walang nagpalabas sa kanya kundi ang pagnanais ng pagsasagawa ng ṣalāh – ay walang hinahakbang na isang hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang baytang at isang antas at magpapawi sa kanya dahil dito ng isang kasalanan. Kapag pumasok siya sa masjid at naupo habang naghihintay ng ṣalāh, tunay na siya ay kumukuha ng pabuya ng ṣalāh at gantimpala nito hanggat naghihintay siya ng ṣalāh. Ang mga anghel naman ay dumadalangin para sa kanya hanggat nananatili siya sa inuupuan niyang pinagdasalan, habang nagsasabi: "O Allāh, magpatawad Ka sa kanya. O Allāh, maawa Ka sa kanya. O Allāh tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya." Ito ay hanggat hindi nasisira ang wuḍū' niya o hindi siya gumagawa ng ikinapiperhuwisyo ng mga tao o mga anghel.