explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nasa masjid na magsimula sa isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh na isinatungkulin.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh kapag isasagawa na ang ṣalāh na tungkulin kapag nasa loob ng masjid.
  • Ang pagsaway laban sa pagsisimula ng isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh, maging ito man ay isang karaniwang kusang-loob na ṣalāh gaya ng sunnah para sa ṣalāh sa fajr at ḍ̆uhr o iba pa rito.
  • Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh habang siya ay nasa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh, saka kung may natira mula rito na maiksi kaysa sa isang rak`ah, maglulubos siya nito at kung hindi ay puputulin niya ito nang sa gayon makaabot siya kainaman ng pagsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula ng ṣalāh.