Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gantimpala at ang ganti ng ṣalāh ng lalaki sa isang konggregasyon kasama ng imām ay higit na mainam kaysa sa dalawampu't limang ṣalāh na dinadasal niya nang mag-isa sa bahay niya o kinaroroonan niya. Pagkatapos bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ng gabi at maghapon ay nagtitipon sa ṣalāh sa Fajr. Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) habang nagpapasaksi para roon: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo: {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].} (Qur'ān 17:78) Ibig sabihin: Tunay na ang ṣalāh sa madaling-araw ay sinasaksihan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.