explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak sa sinumang pumupunta sa masjid para sa pagsamba o kaalaman o para sa iba pa roon kabilang sa mga pagpapakay ng kabutihan sa alinmang oras: sa simula ng maghapon o sa wakas nito, na si Allāh ay naglaan nga para sa kanya ng isang lugar at isang pagpapanauhin sa Paraiso sa tuwing dumarating siya sa masjid sa isang gabi o isang maghapon.

explain-icon

fawaed

  • Ang kainaman ng pagpunta sa masjid at ang paghimok sa pangangalaga sa ṣalāh sa konggregasyon doon sapagkat ang lumiliban sa mga masjid ay kay rami ang nakaaalpas na kabutihan, kainaman, pabuya, at pagpapanauhin na inihahanda ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) sa mga nagsasadya sa Bahay Niya.
  • Kapag ang mga tao ay nagpaparangal sa sinumang dumarating sa mga bahay nila at nagkakaloob dito ng pagkain, si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay higit na mapagparangal kaysa sa nilikha Niya! Kaya ang sinumang nagsadya sa bahay ni Allāh, magpaparangal Siya rito at maghahanda Siya para rito ng isang dakilang malaking tuluyan.
  • Ang pagkatuwa at ang pagkainggit sa pagpunta sa mga masjid dahil ito ay inihahanda para sa kanya bilang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya gabi ayon sa bilang ng pagpunta niya.