Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang kumain ng bawang o sibuyas na huwag pumunta sa masjid nang sa gayon hindi ito makaperhuwisyo sa mga kapatid nito na mga dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon dahil sa amoy ng dalawang iyan. Iyon ay isang pagsaway ng pag-iwas sa pagpunta sa masjid hindi sa pagkain ng dalawang iyan dahil ang dalawang iyan ay kabilang sa mga pagkaing pinapayagan. Dinalhan nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang kalderong may mga gulay; ngunit noong nakaamoy siya rito ng isang amoy at ipinabatid sa kanya hinggil sa narito, tinanggihan niya ang pagkain nito at inilapit ito sa isa sa mga Kasamahan niya upang kumain mula rito ngunit nasuklam iyon sa pagkain bilang pagtulad sa kanya. Kaya noong nakita iyon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat tunay na ako ay nakikipagniig sa mga anghel sa pamamagitan ng pagkasi." Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay napeperhuwisyo sa mga masamang amoy kung paanong napeperhuwisyo ang mga tao sa mga iyon.