Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ibahin ang nakasasama: ang bawat sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya, alinsunod sa kakayahan. Kaya kapag nakakita siya ng isang nakasasama, kinakailangan sa kanya na ibahin ito sa pamamagitan ng kamay kung siya ay may kakayahan. Kung nawalang-kakayahan siya roon, ibahin niya ito sa pamamagitan ng dila niya sa pamamagitan ng pagsaway niya sa nakagagawa niyon, paglilinaw niya rito ng pinsala niyon, at paggabay niya rito tungo sa kabutihan sa halip ng kasamaang ito. Kung nawalang-kakayahan siya sa antas na iyan, ibahin niya ito sa pamamagitan ng puso niya sa pamamagitan ng pagkasuklam niya sa nakasasamang ito at pagtitika niya na kung sakaling nakakaya siya sa pagpapaiba nito ay talaga sanang ginawa niya. Ang pagpapaiba sa pamamagitan ng puso ay ang pinakamahina sa mga antas ng pananampalataya kaugnay sa pagpapaiba ng nakasasama.