explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay naluluma sa puso ng Muslim at nanghihina tulad ng bagong damit na naluluma sa tagal ng paggamit nito. Iyon ay dahilan sa panlalamig sa pagsamba o pagkagawa ng mga pagsuway at pagkalublob sa mga ninanasa. Kaya gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dumalangin tayo kay Allāh (napakataas Siya) na panibaguhin Niya ang pananampalataya natin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga tungkulin at dalas ng pagsambit ng dhikr at paghingi ng tawad.

explain-icon

fawaed

  • Ang paghimok sa paghiling kay Allāh ng katatagan at pagpapanibago ng pananampalataya sa puso.
  • Ang pananampalataya ay pagsasabi, paggawa, at paniniwala, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.