Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago niya malibang nagkaroon ito mula sa kalipunan nito ng mga hinirang, mga tagaadya, at mga nakikibakang nagpapakawagas, na naaangkop sa paghalili matapos nito, na humahawak sa kalakaran nito at tumutulad sa utos nito. Pagkatapos may darating matapos ng mga hinalinhan na iyon na mga taong walang kabutihan sa kanila, na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa.