explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagpasok sa Islām; at na ang sinumang umanib sa Islām, gumanda ang pagkaanib niya sa Islām, at naging isang nagpapakawagas na tapat, hindi siya tutuusin sa ginawa niya na mga pagsuway sa Panahon ng Kamangmangan; at ang sinumang nagpasagwa sa pagkaanib sa Islām dahil siya ay naging isang mapagpaimbabaw o tumalikod sa Islām, tutuusin siya sa ginawa niya sa panahon ng kawalang-pananampalataya at sa ginawa niya sa panahon ng pagkaanib sa Islām.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagpapahalaga ng mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) at ang pangamba nila sa anumang mula sa kanila na mga gawain sa Panahon ng Kamangmangan.
  • Ang paghimok sa pagpapakatatag sa Islām.
  • Ang kainaman ng pagpasok sa Islām at na ito ay nagtatakip-sala sa mga naunang gawa.
  • Ang murtadd (tumalikod sa Islām) at ang mapagpaimbabaw ay pananagutin sa bawat gawa niya na nauna sa panahon ng Kamangmangan at sa bawat pagkakasalang ginawa niya sa panahon ng Islām.