Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pananampalataya ay maraming sangay at kakanyahan, na sumasaklaw sa mga ginagawa, mga pinaniniwalaan, at mga sinasabi; na ang pinakamataas sa mga kakanyahan ng pananampalataya at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh, habang nakaaalam sa kahulugan nito, habang gumagawa sa hinihiling nito, na si Allāh ay ang Diyos na Nag-iisa, na Kaisa-isa, na karapat-dapat sa pagsamba, tanging Siya: bukod sa iba pa sa Kanya; at na ang pinakakaunti sa mga gawain ng pananampalataya ay ang pag-aalis ng anumang nakapeperhuwisyo sa mga tao sa mga daanan nila. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkahiya ay kabilang sa mga kakanyahan ng pananampalataya. Ito ay isang kaasalang pumupukaw sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.