Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Ingatan mo si Allāh sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan nakatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya nakatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na mangalaga sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man tumuon. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag ninais mo ang tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkaisa sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkaisa sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh.