Ang mga Muslim noon ay nagpapaluwal ng zakāh ng pagtigil-ayuno sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at panahon ng mga Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya alang-alang sa nakababata at nakatatanda sa sukat na isang ṣā` ng pagkain. Ang pagkain nila noon ay ang sebada, ang pasas (ang tuyot na ubas), ang aqit (ang pinatuyong gatas), at ang datiles. Ang sukat ng isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay nakatutumbas sa isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki. Noong dumating si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah noon siya ay khalīfah at dumami ang trigong Siryano, nagtalumpati siya saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya (kalahati ng ṣā`) ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles." Kaya umayon ang mga tao roon. Nagsabi naman si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): "Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magpakailanman hanggat nabubuhay ako."