Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humihiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa apat matapos ng Huling Tashahhud at bago ng salām sa ṣalāh. Nag-utos siya sa atin na humiling tayo ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga ito. 1. Laban sa pagdurusa sa libingan. 2. Laban sa pagdurusa sa Apoy. Iyon ay sa Araw ng Pagbangon. 3. Laban sa ligalig ng buhay at kamatayan: laban sa mga ipinagbabawal na ninanasa sa Mundo, laban sa mga tagapagligaw na maling akala rito, laban sa ligalig ng kamatayan, ibig sabihin: ang oras ng paghihingalo, laban sa pagkaliko palayo sa Islām o Sunnah, o ligalig sa libingan gaya ng pagtatanong ng dalawang anghel. 4. Laban sa ligalig ng Bulaang Kristo na lalabas sa wakas ng panahon, na susubukin ni Allāh sa pamamagitan nito ang mga lingkod Niya. Nagtangi siya rito sa pagbanggit dahil sa bigat ng ligalig nito at pagpapaligaw nito.