explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mabisang lunas sa mga pagtatanung-tanong na nagpapasaring sa pamamagitan ng mga ito ang demonyo sa mananampalataya. Magsasabi ang demonyo: "Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon? Sino ang lumikha ng langit? Sino ang lumikha ng lupa?" Kaya sasagot naman ang mananampalataya ayon sa relihiyon, naturalesa, at isip sa pamamagitan ng pagsabi niya na: "Si Allāh." Subalit ang demonyo ay hindi titigil sa hangganang ito ng mga pasaring; bagkus magpapalipat-lipat siya hanggang sa magsabi siya: "Sino ang lumikha sa Panginoon mo?" Kaya sa sandaling iyon, itutulak ng mananampalataya ang mga pasaring na ito sa pamamagitan ng tatlong bagay: sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh, at pagdalangin ng pagpapakupkop kay Allāh laban sa demonyo, at pagtigil sa pagpapatuloy sa mga pasaring.

explain-icon

fawaed

  • Ang pag-ayaw sa mga pasaring ng demonyo at mga kaisipan niya, ang hindi pag-iisip ng mga ito, at ang pagdulog kay Allāh sa pag-aalis ng mga ito.
  • Ang bawat anumang nagaganap sa puso ng tao na mga pasaring na sumasalungat sa Batas ng Islām ay mula sa demonyo.
  • Ang pagsaway laban sa pag-iisip-isip hinggil sa sarili ni Allāh at ang paghimok sa pag-iisip-isip hinggil sa mga nilikha Niya at mga tanda Niya.