Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang lalampas na isa man sa mga tao sa tayuan ng pagtutuos sa Araw ng Pagbangon tungo sa paraiso o impiyerno hanggang sa matanong siya tungkol sa mga sumusunod: A. Ang buhay niya kung sa ano siya umubos nito at gumugol nito. B. Ang kaalaman niya kung naghanap ba siya nito alang-alang kay Allāh, kung gumawa ba siya ayon dito, at kung nagpaabot ba siya nito sa karapat-dapat dito. C. Ang yaman niya kung mula saan siya kumita nito: kung sa ipinahihintulot ba o ipinagbawal; at kung sa ano siya gumastos nito: kung sa nagpapalugod ba kay Allāh o nagpapainis sa Kanya. D. Ang katawan niya, ang lakas niya, ang kagalingan niya, at ang kabataan niya kung sa ano siya lumaspag nito at gumamit nito.