Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na ang pinakamababang kaluluklukan ng isa sa inyo mula sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."} Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamababa at ang pinakamaliit sa katayuan at rangko ng sinumang pumasok sa Paraiso ay na magsabi [si Allāh] sa kanya: "Magmithi ka!" Kaya magmimithi siya at magmimithi siya hanggang sa walang matira sa kanya na isang mithi malibang nakabanggit siya nito, saka magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Nagmithi ka ba?" Kaya magsasabi siya: "Opo." Kaya magsasabi [si Allāh] sa kanya: "Kaya tunay na ukol sa iyo ang minithi mo at ang tulad nito kasama nito."

explain-icon

fawaed

  • Ang pagkakaibahan ng mga katayuan ng mga maninirahan sa Paraiso.
  • Ang paglilinaw sa kadakilaan ng pagkamapagbigay ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
  • Hindi nalilimitahan ang kaginhawahan sa Paraiso sa isang tinukoy na bagay; bagkus makatatagpo roon ang mananampalataya ng bawat mimithiin niya at nanasain ng sarili niya bilang kabutihang-loob, bilang kagalantehan, at bilang pagkamapagbigay mula sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).