Iipunin ni Allah ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay para sa paghahatol at pagbabayad,Tatayo ang mga mananampalataya hanggang sa lalapit sa kanila ang Paraiso,at hindi ito mabubuksan sa kanila dahil sa tagal ng pagtayo sa Araw ng Pagkabuhay,Pupunta sila kay Propeta Adam-sumakanya ang pagpapala--makikiusap sila sa kanya na hilihingin niya sa Allah na buksan ang Paraiso para sa kanila,tatanggihan niya sila sapagkat hindi siya ang nararapat doon,ito ay dahil sa kasalanan niya na naging dahilan ng paglabas nilang lahat sa Paraiso,kaya ipapadala niya sila kay Propeta Ibrahim-sumakanya ang pagpapala- sapagkat siya ay kaibigan ni Allah,at ang kaibigan ay higit na mataas sa antas ng pagmamahal,kaya pupunta sila kay Propeta Ibrahim,at sasabihin niya sa kanila:wala sa akin aang ganoong kataas na antas,Pumunta kayo kay Propeta Musa-sapagkat tunay na si Allah-napakamaluwalhati Niya-ay kinausap siya ng walang pagitan,Pupunta sila kay Musa,at sasabihin niya sa kanila: Hindi ako karapat-dapat doon,pumunta kayo kay Propeta Isah,at sasabihin niya sa kanila:Hindi ako karapat-dapat doon,at pupunta sila sa Propeta nating si Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at makikiusap sila sa kanya na hilingin niya sa Allah na ihiwalay ang pagitan nila,at buksan sa kanila ang Paraiso,tutugunan niya sila,at hihiling siya [sa Allah] at papayagan ito sa kanya,At darating ang tiwala at pakikipag-ugnayan,tatayo sila sa magkabilaang gilid ng Assirat [tulay],ito ay tulay na pahaba sa itaas ng Impiyerno,at tatawid ang mga rito batay sa gawain nila,Ang sinuman ang sa [panahaon niya] sa mundo na siya ay mabilis sa paggawa ng kabutihan,siya ay magiging mabilis [sa pagtawid] sa tulay na ito,at gayundin ang kabaliktaran ,kabilang sa kanilang ang maliligtas,at ang iba ay mahuhulog sa Impiyerno,at ang ilalim ng Impiyerno ay hindi maaabot maliban sa pitumpong taon,dahil sa layo nito,Ang pagpapakupkop ay sa Allah