Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na si Allāh ay nangako sa kanya na magpapasok ng pitumpong libo mula sa Kalipunang ito nang walang pagtutuos at walang pagdurusa. Magpapapasok Siya kasama ng bawat isang libo ng pitumpong libong iba pa. Dadampot si Allāh sa pamamagitan ng kamay Niyang marangal ng tatlong dampot at ipapasok Niya sila sa Paraiso.