Nagpapabatid ang Propeta (s) na kapag nakapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allah (napakamapagpala Siya at napakataas) sa kanila: "Nagnanais kaya kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi ang mga maninirahan sa Paraiso sa kabuuan nila: "Hindi ba nagpaputi Ka sa mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya mag-aalis si Allah ng tabing at mag-aangat Siya nito. Ang tabing Niya ay ang liwanag. Hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).