Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Paraiso at ang Impiyerno ay malapit sa tao gaya ng kalapitan ng sintas ng sapatos na nasa ibabaw ng paa dahil siya ay maaaring gumagawa ng isang pagtalima kabilang sa kaluguran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na papasok siya dahil dito sa Paraiso, o ng isang pagsuway na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.