Sinabi kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya): "Hindi ka ba papasok sa kinaroroonan ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) para makipag-usap ka sa kanya hinggil sa naganap na sigalot sa gitna ng mga tao at pagpupunyagi sa pag-apula nito sa kabuuan nito saka magpapaabot ako sa kanila na siya ay kumausap dito nang palihim sa paghahangad ng kaayusan hindi bilang pagpukaw sa sigalot?" Ang layon niya ay na siya ay hindi nagnanais ng paglalantad ng pagmamasama sa mga pinuno sa madla para ito ay maging isang kadahilanan ng pagpapakapalalo sa Khalīfah. "Ito ay isang pinto ng isang sigalot at isang kasamaan na ako ay hindi ang una sa sinumang magbubukas nito," sabi niya. Pagkatapos nagsabi si Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya ay nagpapayo sa mga pinuno nang palihim; hindi naglalangis sa isa man, kahit pa man siya ay isang pinuno; at hindi nagsisipsip sa kanila para magpuri sa mga ito sa mga harap nila ng kabulaanan. Iyon ay matapos na nakarinig siya mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may ihahatid sa Araw ng Pagbangon na isang lalaki para itapon ito sa Impiyerno saka lalabas ang mga bituka nito mula sa tiyan nito sa isang mabilisang paglabas dahil sa tindi ng init at tindi ng pagdurusa. Mag-iikot ito ng mga bituka nito gaya ng pag-ikot ng asno sa paligid ng giikan, na bato ng gilingan. Magtitipon sa paligid niya ang mga maninirahan sa Impiyerno sa isang anyong pabilog na papaligid sa kanya saka magtatanong sila sa kanya: "O Polano, hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway sa nakasasama?" Kaya magsasabi siya: "Tunay na ako noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi gumagawa nito at sumasaway sa nakasasama at gumagawa ako nito."