Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang tunog na nakaliligalig gaya ng pagbagsak ng isang katawan. Nagtanong siya sa kapiling niya kabilang sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) tungkol sa tunog na iyon, kaya nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tunog na ito na narinig ninyo ay talagang isang batong itinapon mula sa gilid ng Impiyerno magmula ng pitumpung taon saka ito ay lumalagapak at bumabagsak doon, hanggang sa nagwakas ito sa kailaliman niyon ngayon nang narinig ninyo ang tunog."