Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikipagniigan ni Allāh sa lingkod Niyang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi siya: Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito para maglagay Siya rito ng pagtatakip Niya buhat sa mga tao sa Tayuan nang sa gayon hindi makabatid sa lihim niya ang iba sa kanya saka magsasabi Siya rito: "Nakaaalam ka ba ng pagkakasalang ganito at gayon?" ... Magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala na sa pagitan ng tao at Panginoon nito. Kaya magsasabi siya: "Oo, O Panginoon." Hanggang sa kapag nangilabot ang mananampalataya at nangamba, magsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya) dito: "Tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito." Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya at mapagpaimbabaw, mananawagan sa mga harap ng mga saksi: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila; pansinin, ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagalabag sa katarungan.